Saturday, June 23, 2012

May Problema Ba?


Isang araw sa bahay, napangiti ako habang nag babasa ng text. Saktong nakita ako ng pilosopo kong kapatid. Tinanong niya, "Anong problema mo, ba't ka masaya?"

Tiningnan ko siya at nang-laki ang butas ng ilong ko. “Ano daw?!”

Alam ko naman na ginu-good time lang ako ng kapatid ko kaya nagtawanan na lang kaming lahat.

Pilosopo ang tanong niya.Tipong si Plato, Socrates o Bob Ong lang ang makakasagot.

Bakit mo tatanungin anong problema ng isang tao kung nakangiti siya at masaya?

Baka ikaw ang may problema.

Pero napagisip-isip ko, pilosopo man, tama din naman ang tanong na ‘yon.

Bakit? Dahil hindi naman lahat ng masaya ay walang problema. At hindi porket may problema ay bawal na maging masaya.

Naalala ko ang verse na:

"Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang."

Santiago 1:2-4
Translation:

“Consider it pure joy, my brothers, when you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith develops perseverance. Perseverance must finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything.”
James 1:2-4

Yun naman pala! Isang magandang paalala na sa oras ng mga hinagpis at pagsubok, nararapat na maging masaya pa rin. Dahil ang mga problema natin ay pinagkaloob para makapag-patibay sa atin. Ikaw at ako ay mga ginto na kailangan dumaan sa apoy upang maging lantay na ginto.

Kaya pag may nagtanong sa’yo, “Anong problema mo, ba’t ka masaya?” Alam mo na ang gagawin. Ngiti lang!

No comments:

Post a Comment