Boy: Hindi ako natatakot sa multo.
Girl: Bakit?
Boy: Mas natatakot ako na mawala ka sa buhay ko.
Boom!
Girl: Multo ka ba?
Boy: Bakit?
Girl: Ang hilig mo kasi magparamdam.
BOOM!
Banatan na. Dahil November 1 ngayon, babanat din ako.
Totoo ba ang multo? Hindi ko masasagot yan; ‘di ako
ang expert dyan. Pero sigurado ako, may mga lalaking parang mga multo...
mahilig magparamdam. Awoooo.
Sila yung mga mahilig mag-text or mag-PM ng alin
man sa mga sumusunod:
Pst.
Oist.
:)
Yow!
....
[Blank message]
Ito yung tipong out of nowhere at di mo alam pano
rereplayan. Dahil iba-iba ang pinanggalingan natin, iba-iba din
ang pwede natin maging reaksyon dyan
:)
Yow!
Hus dis? (Paborito ko ‘to. Haha.)
Oh,
bakit?
Pst
ka din:)
Yow!
Hus dis? (Paborito ko ‘to. Haha.)
Pero ang recommended ko ay itong dalawang bagay
lang:
1. ‘WAG
MO NA REPLAYAN. Period. No erase.
Ang taray naman. Okay, magpapaliwanag ako. Kapag
kasi ginamit mo ang unang limang nabanggit, hahaba lang ang usapan. Kung sa una
naweweirdo-han ka pa, di mo namalayan, nag-eenjoy ka na din pala na ka-text
siya. Reply dito, reply doon. Biglang, Oops, malayo na pala ang narating ng
usapan. Saan man kayo makarating, ito ang intindihin mo, yung nagsimula
sa ‘wala lang’ ay mauuwi sa ‘wala lang’.
"Keep vigilant watch over your heart; that's where life starts." Proverbs 4:23 (The Message) |
Pwera na lang kung gusto mo talaga humaba ang
usapan dahil gusto mo rin yung guy na nag-text. Kung ganun na nga, girrrl,
isip-isip din. You deserve a real man who can and will pray about his
intentions, act on it and is direct-to-the point about it. ‘Wag na
‘yung guy na nagtatago sa anino ng mapanlinlang at nakakalitong paramdam
message.
2. PAG-PRAY
(OVER) MO. Multo nga kasi.
Pag may mga multo na matigas ang ulo at mahirap
papaalisin, who are you gonna call? This time, hindi ang ghost-busters. Call
unto Jesus and lift up the guy to Him. Pag-pray mo na mapag-isip isip nung guy
na hindi pagiging tunay na lalaki ang pag-paparamdam at pakikiramdam sa
text. Pag-pray mo na sa tulong ni Hesu Kristo sa buhay niya, unti-unti ay
matutunan niya how to actlikeaman.
No comments:
Post a Comment