Paano malalaman kung true
love na ang nararamdaman mo?
Kung may true love, meron bang false love?
Parang quiz lang, ganun?
Nagsulputan na naman ang mga salitang love, love life, date,
ligaw, bulaklak, chocolates, echetera echetera. Ultimo sa twi-err (twitter),
pagpatak ng unang araw ng Pebrero, nagtrend ang 1st of February sa Pilipinas. February 1. So huwat?!
Pansin ko lang, nagpalpitate at aligaga na naman ang mga
miyembro ng SAM or Singles Awareness Month. Pebrero na naman... Ka-holding
hands mo pa rin ang iyong sarili. Ang iyong true love... ay wala pa din.
Capital HAY.
Pero wag ka, pati mga in a relationship ay nagmumuni-muni
rin habang hawak ang palad ng kasalukuyang iniibig. True love ba ito? Siya na
ba? Pano yung ex mo bago siya? False love ba yun?
Ano ba kasi yang true love na ‘yan? Nakakain ba ‘yan?
Para makatulong sa’ting pagkukuro, nagtanong-tanong ako kung
ano para sa kanila ang true love. Ito po ang ilan sa aking nakalap:
“Ang true love ay buwis-buhay. Handa kang magsakripisyo para sa mahal
mo.”
-Tambay sa kanto
“True love ‘pag tangap mo siya kung ano o sino pa man siya.”
-Security guard
“True love kapag lagi siyang nasa isip mo. Tingin mo kulang ang buhay
pag wala siya.”
-Ginang na maybahay
Ang daming definition. May pare-pareho, may nakakaloka. Pero
ang lahat ng napagtanungan ko, binalik sa’kin ang tanong: Ikaw, paano mo
malalaman kung true love na yun? Hmm. Ang hirap pala sagutin.
Ang alam ko, ang pag-ibig ay katulad ng pera. Kasi mahal. Haha, joke. Kasi ‘pag alam mo kung ano ang tunay, malalaman
mo din kung ano ang peke. Anything that falls below the standard of a
genuine is counterfeit.
Dalawang bagay:
Alamin ang katangian
ng tunay. Naglabas ng mga poster ang Bangko Sentral ng Pilipinas upang
ipagbigay-alam sa mga mamamayan ang katangian ng salapi ng Republika ng Pilipinas.
Kung ang Diyos ang lumikha ng pag-ibig, kanino tayo magtatanong kung ano Kanyang
pamantayan?
“This is how we know what love is: Jesus Christ laid down his life for
us.”
– 1 John 3:16
Ang ginawang sakripisyo ni Hesus sa krus para sa ating lahat
ay Siya mismong pamantayan ng true love.
Ito na ang tunay na buwis-buhay.
Imulat mo ang iyong mga
mata. Kabisado na ng mga daliri ko ang katangian ng tunay na pera. Masasalat
ito dahil magaspang. Pero hindi ito sapat. Something can feel so right but is actually
wrong. Pano kung magaspang pero si Mickey Mouse pala ang naka-imprenta sa
harapan? Epic fail. Kaya wag sana tayong magpakabulag sa definition ng mundo sa
pag-ibig. Love is not blind; we just close our eyes and ignore the truth. Let’s ask God to heal us from our blindness so that we may see the Truth in
His capital L-O-V-E.
“Taste and see that the Lord is good; blessed is he who takes refuge in
him.”
–Psalm 34:8
"Greater love has no one than this: to lay down one's life for one's friends." - John 15:13 |
No comments:
Post a Comment