Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

Friday, February 8, 2013

Pwede magtanong, 'wag lang Math


You complete me.
I can’t live without you.
I want to be with you only on two occasions – now and forever.
Ayan na ang mga pamatay na linya.
Bago yan, sino muna ang magaling sa Math? Ako. Hindi. Kaya nga nag-nursing ako eh. Ikaw ba? Buti na lang di kailangan magaling sa Math para i-analyze ang mga sumusunod na equation:
1.)    Me + You = Happiness
Akala natin isang tao ang magpapasaya sa’tin, na kapag may the one tayo ay happily ever after na. Pag nawalasiya, hindi natin kayang maging masaya.
2.)    Me + You = Me
Medyo kamukha nung no. 1 pero malaki ang pinagkaiba. Eto daw yung kapag may the one ka, dun ka lang magiging ikaw. Yung identity mo nakadepende sa isang relationship. Pag nawala siya, wala ka na din. Hindi ka tao. Alien? Ewan. Basta wala sa sarili.
3.)    Me + You = Us
Pag sinubstitute, ang ibig sabihin ½ + ½ = 1. Ibig sabihin hindi tayo buo pag wala siya. Kaya naman never ending ang search ng lolo at lola mo para sa the one na magiging bitter better half niya.
Kapag chineck ni titser, lalagyan niya ng tatlong malalaking EKIS gamit ang pulang Pentel pen.

Saturday, February 2, 2013

True Love, False Love


Paano malalaman kung true love na ang nararamdaman mo?

Kung may true love, meron bang false love? Parang quiz lang, ganun?

Nagsulputan na naman ang mga salitang love, love life, date, ligaw, bulaklak, chocolates, echetera echetera. Ultimo sa twi-err (twitter), pagpatak ng unang araw ng Pebrero, nagtrend ang 1st of February sa Pilipinas. February 1. So huwat?!

Pansin ko lang, nagpalpitate at aligaga na naman ang mga miyembro ng SAM or Singles Awareness Month. Pebrero na naman... Ka-holding hands mo pa rin ang iyong sarili. Ang iyong true love... ay wala pa din. Capital HAY.

Pero wag ka, pati mga in a relationship ay nagmumuni-muni rin habang hawak ang palad ng kasalukuyang iniibig. True love ba ito? Siya na ba? Pano yung ex mo bago siya? False love ba yun?

Ano ba kasi yang true love na ‘yan? Nakakain ba ‘yan?

Para makatulong sa’ting pagkukuro, nagtanong-tanong ako kung ano para sa kanila ang true love. Ito po ang ilan sa aking nakalap:

“Ang true love ay buwis-buhay. Handa kang magsakripisyo para sa mahal mo.”
-Tambay sa kanto

“True love ‘pag tangap mo siya kung ano o sino pa man siya.”
-Security guard

“True love kapag lagi siyang nasa isip mo. Tingin mo kulang ang buhay pag wala siya.”
-Ginang na maybahay

Ang daming definition. May pare-pareho, may nakakaloka. Pero ang lahat ng napagtanungan ko, binalik sa’kin ang tanong: Ikaw, paano mo malalaman kung true love na yun? Hmm. Ang hirap pala sagutin.

Ang alam ko, ang pag-ibig ay katulad ng pera. Kasi mahal. Haha, joke. Kasi ‘pag alam mo kung ano ang tunay, malalaman mo din kung ano ang peke. Anything that falls below the standard of a genuine is counterfeit.
Dalawang bagay:

Alamin ang katangian ng tunay. Naglabas ng mga poster ang Bangko Sentral ng Pilipinas upang ipagbigay-alam sa mga mamamayan ang katangian ng salapi ng Republika ng Pilipinas. Kung ang Diyos ang lumikha ng pag-ibig, kanino tayo magtatanong kung ano Kanyang pamantayan?

“This is how we know what love is: Jesus Christ laid down his life for us.”
– 1 John 3:16

Ang ginawang sakripisyo ni Hesus sa krus para sa ating lahat ay Siya mismong pamantayan ng true love. Ito na ang tunay na buwis-buhay.


Imulat mo ang iyong mga mata. Kabisado na ng mga daliri ko ang katangian ng tunay na pera. Masasalat ito dahil magaspang. Pero hindi ito sapat. Something can feel so right but is actually wrong. Pano kung magaspang pero si Mickey Mouse pala ang naka-imprenta sa harapan? Epic fail. Kaya wag sana tayong magpakabulag sa definition ng mundo sa pag-ibig. Love is not blind; we just close our eyes and ignore the truth. Let’s ask God to heal us from our blindness so that we may see the Truth in His capital L-O-V-E.


“Taste and see that the Lord is good; blessed is he who takes refuge in him.”
–Psalm 34:8

 True or False. Multiple choice. Matching type. Ganyan natin sinisukat ang love. Pero si Jesus, ganito: 


"Greater love has no one than this: to lay down one's life for one's friends."
- John 15:13


Sunday, January 20, 2013

Can't Wait on Love? iJowa 7.0 is for You!

Sick of your boyfriend/girlfriend and need a quick fix?
Down and need to perk up your day?
Bored and want to spice up your life?

'Wag nang malumbay. We have the greatest offers for you!


Check out the latest iJowa 7.0

The all new iJowa 7.0
Hindi lang kape ang instant. Ngayon, pati boyfriend at girlfriend na rin.

Comes in iBoylet and iSyota versions. We have one (or two) for everyone.

Can be customized. Add and delete features that suits your needs.

Hundreds of exciting themes to choose from. Cats & Dogs (away-bati ang peg), No Other Woman (the more the merrier daw), and many more.

Voice command system. Follows orders such as "Mag-diet ka na, ang taba mo" or "Bili mo ko nun, bili mo ko nyan", and more.

Easy to switch off and on again. Just switch off the phone and viola, you can forget about your iJowa for a  while.

Outright replacement within 7 days. We have anticipated your short attention span and flickering interests. In case you change your mind within the warranty period, we will happily replace your device. Just visit any iJowa outlets near you.

Easy to get started with. Simply download and install the following applications:

1. iPanic: How old are you? You're still single. Mawawala na edad mo sa kalendaryo.

2. iFlirt: Try out different features to help you find the one that suits your taste. You need a cellphone and an unlitext subscription for this. (Go unlicalls to speed up the process.)

3. iCompromise: Lower your standards. 'Wag nang choosy.


4. iRush: Why wait when you can have everything? Now. Get yours. Now. Baka maunahan ka pa ng iba. Now. **


5. iIndulge: Go ahead! You deserve this. Life's a party. Tugs tugs. **


**Bundled with a postpaid plan. Use all you can, pay later. Low interest rates.



Hurry! Get this awesome package. Now na. Agad agad.






Why settle for less when you can have more? Why settle for less when you can have the best?


Want something that won't bug down on you anytime, you can treasure and lasts a lifetime? 


Know this plan exclusive for the patient and faithfuls. Go old school with the tried and tested iWait 101 by God.







100% handmade. Lovingly handcrafted by the Master Creator in His workshop called Heaven.

100% perfect for you. May have some a lot of flaws but guaranteed God's best for you.


100% unique design for everyone. He/She's the top of the line designed especially for you alone.


With FREE lifetime connection to the source of Grace. Easy to get started with (but hard to finish off -- that's why you need lifetime Grace). Simply download and install the following applications:


1. iSurrender: Give up the pen to God; He's in charge of the writing.


2. iWait: God's best needs months, years or even decades of pruning, sharpening and molding. Wait 'til the Maker is done. 'Wag excited much; may lakad?


3. iServe: Test run for the real deal without compromising your standards. Gusto mo na mag-asawa, marunong ka ba magwalis man lang?


4. iYield: Submit to the Potter's hand. You're also a work in progress -- God's best for someone.


5. iCommit: No return, no exchange. Go for the lifetime warranty.


All applications are FREE from the Master's Guide Book called the Bible. Go ahead. Read it.



O, ano pang hinihintay mo, Pasko?



© Christine Joy Cabrera
Love is waiting

Valentines muna noh. At para mas malinaw ang pananaw mo sa pag-ibig, hindi parang nag-cacanvass ng panibagong gadget, tayo na't mag-chacha-cha/tumambling/kumembot/umisplit papuntang Victory Greenhills Center sa February 16, 2013 (Saturday), 3:00 - 6:00 PM.

Makinig at matuto sa kwentong pag-ibig nina Joseph Bonifacio at Rica Peralejo-Bonifacio.


Hard sell na kung hard sell. Ano man ang relationship status mo, invited ka! IT'S A DATE!!!!

What will you do?



Sunday, February 26, 2012

Tsinelas

(Huling Hirit sa Buwan ng Pag-ibig)




Patapos na ang Buwan ng Pag-ibig.

Iniisip ko ngayon, kamusta kaya ang iyong Balentayms?

Ako? Nakatanggap naman ako ng isang tangkay ng rosas. Salamat sa kliyenteng naging tradisyon nang bigyan ng bulaklak lahat ng taga-bangko tuwing ika-14 ng Pebrero.

Kung hindi ka nakatanggap, ‘wag ka magdamdam. May ikukwento ako sa’yo…

May sampung taon na rin ang nakakaraan ng mabasa ko ang isang lathala sa Light Touch Christian Magazine na pinamagatang “Rosas o Tsinelas?”. Ito ay kwentong-buhay ng may-akda kung saan isinalaysay niya kung paano, sa paglipas ng panahon, nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig.

Noong una, katulad ng karamihan sa aming mga babae, nasasabik siya na makatanggap ng mga rosas sa Araw ng mga Puso. Inggit na inggit daw siya sa mga babaeng pakendeng-kendeng sa pasilyo, bitbit ang mga rosas na kanilang natanggap. Tanong niya sa sarili, kailan kaya may mangliligaw at magreregalo sa kanya ng mga bulaklak?

Hindi nagtagal, nasagot na ang kanyang tanong. Isang makisig na lalaki ang nangligaw at nagbigay ng mga bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pa. Naisip niya, baka ito na ang “the man of her dreams”. Hindi na siya nag-atubiling ibigay kay lalaki ang matamis na OO.

Ngunit ilang buwan pa ang lumipas bago niya natuklasang may-asawa at pamilya na ang lalaking iyon. Ang prince charming niya, biglang naging frog prince.

Dali-dali siyang nakipaghiwalay. Gayun pa man, nasaktan siya ng todo at simula noo’y naging mailap sa pag-ibig. Ginugol niya ang panahon sa trabaho.

Lumipas ang mga taon, muli’y may nangligaw sa kanya. Ang lalaking ito’y malayo sa kanyang tipo. Medyo baduy pa nga raw pumorma at hindi siya binigyan ng kahit isang tangkay ng bulaklak – hindi raw kasi praktikal. Pero ang lalaking ito na kumakatok sa kanyang puso’y masipag, magalang, mapagmahal, maunawain at matiyaga kahit nagpakita siya ng kawalan ng interes sa pakikipagrelasyon. Ang mga katangiang ito ang dahilan para mapamahal siya sa lalaki na noong una’y inaayawan niya.

Pagkaraan ng maraming taon, malalaki na ang mga anak nila, pati na ang waistline niya. Oo, tumaba raw siya pero di pa rin nagbago ang pagmamahal sa kanya ng kanyang asawa.

Pinakapaborito at pinaka-tumatak sa puso ko nung i-quote niya ang mga linya sa pelikula ni Regine Velasquez at Richard Gomez. Ang sagot ni Jaime Fabregas nung tanungin ni Richard kung paano raw malalaman na tunay na pag-ibig ang dumating sa'yo:

"Alam mo, 'yung totoong pag-ibig, parang tsinelas na luma. Magsuot ka man ng iba't ibang klase ng sapatos, pagdating mo sa bahay, 'yung lumang tsinelas pa rin ang hahanapin mo. Masarap isuot kaysa bago kasi lapat na lapat sa paa mo."



Dagdag pa niya:

"Ang tunay na pag-ibig ay talagang parang tsinelas kasi walang silbi 'yung isa kapag nawala 'yung kapares."

Tumpak.

Naalala ko ang anekdota ni Jose Rizal. Minsan, siya’y namamangka kasama ang kanyang mga pinsan. Hindi sinasadyang nahulog sa tubig ang isang kapares ng kanyang tsinelas. Inagos ito, dahilan para hindi na niya makuha. Walang kaabug-abog ay itinapon din niya sa tubig ang natitirang kapares ng tsinelas. Ano raw ba kasi ang silbi ng isang pirasong tsinelas. Naisip niya, kung sakaling may mangingisda na makapulot ng magkapares na tsinelas, maipapagamit pa niya ito sa kanyang anak.

Isa pa, tayong mga Pinoy, nasanay tayo na kahit maghapon tayong naka-Nike o kaya Prada o Otto pa man yan, pag-uwi natin sa bahay, tiyak na huhubarin pa rin natin ang ating mamahaling sapatos at hahanapin ang ating lumang tsinelas.

Pagkatapos ng isang mahabang araw ng pakikipagsapalaran sa buhay, kay sarap magtanggal ng sapatos at magsuot ng pambahay na tsinelas. May kagat-kagat man ito ng aso at pudpud na pudpod na, ayos lang kasi lapat na lapat na sa iyong paa. Makabili ka man ng bagong Havaianas, hahanap-hanapin mo pa rin ang luma mong Islander.

Ang tsinelas, parang Diyos at kanyang pag-ibig. Kung wala Siya, wala rin tayo.

Marami man ang dumating sa buhay natin, nag-aalay ng mga materyal na bagay na hindi tumatagal, iba pa rin ang mismo at wagas na pag-ibig ni Hesus. Iyon at iyon pa rin ang kukumpleto sa bawat araw natin.

At sana, ang pag-ibig sa iba’y maging katulad rin ng tsinelas, kahit saan mo itapak, magkatuwang pa rin. Pagdating sa pag-ibig, piliin mo yung pangmatagalan. Yung sasamahan ka sa paglalakbay sa buhay, saan ka man makarating

Ang pinaka-maganda at pinakamabangong rosas ay nalalanta rin pero ang kapares na binigay sa’yo ng Panginoon, lumain man ng panahon, hinding-hindi mo ipagpapalit.

Ang tanong ko sa’yo ngayon: Rosas o Tsinelas?

Thursday, February 2, 2012

Rosas

Eto na naman ang buwan kung kailan namumula ang paligid, patok ang fine-dining at ubos ang bulaklak sa Dangwa.


Buwan ng mga puso…


Kung may iniibig ka AT iniibig ka rin niya, mas matamis pa sa Toblerone at mas makulay pa sa Panagbenga ang buwan na ito para sa’yo.




Kung single ka naman, ito ang buwan na makaka-DVD marathon mo ang aso mo, matatapos ang pag-cross stitch ng The Last Supper at makakapag-general cleaning sa kwarto mo. Baka nga pati garahe malinisan mo.


Tunay na ang Pebrero ay kay tamis ngunit kay pait din, may kilig ngunit mayroon ding kasamang kurot.


Sa mga singles, sa bawat makakasalubong na magkasintahang nilalanggam sa ka-sweetan at sa bawat sandaling ka-holding hands mo ang iyong sarili, nakaka-tempt maging bitter, ‘di ba? Napakadaling magma-pait at sabihin sa sariling, “Hmp, ang cheesy naman nila,” sabay *roll eyes*.


O ako lang ang ganun? Ako lang ang sinusubukang kumbinsihin ang sarili na ang Balentayms ay di para sa akin. Ang pag-ibig ay di para sa akin. Na masaya ako kung anong meron ako. Masaya na walang nag-fo-follow up maya’t maya, walang dapat hingan ng permiso kung aalis kasama ang barkada at walang pipigil kung gusto kong kulayan ng pula ang aking buhok. Ako lang ba?


Ang alam ko, unti-unting tinalupan ng Panginoon ang aking kalooban, parang isang repolyo. Siniwalat Niya sa akin ang tunay na laman ng puso ko: Ang pangarap na panoorin ang paglubog ng gintong araw, humiga sa damuhan, pagmasdan ang libu-libong mga tala at, salubungin ang pagdating ng bagong umaga – sa lahat ng ito, kasama ang taong mahal ko.


Ang mga pangarap na iyon, sinubukan kong ibaon sa walang-kamalayan nang aking matuklasan na ang bawat tsokolate ay may pait at ang bawat rosas ay may tinik. Ang mga pangarap na iyon, ninakaw at napalitan ng takot na mangarap at magmahal muli.


Ngunit ang lahat ng ‘yon ay napawi nang maunawaan at maramdaman ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Wala ito sa tamis ng tsokolate o sa halimuyak ng bulaklak na inihahandog sa’yo. Ito ay matatagpuan sa busilak at wagas na pag-ibig ng Panginoon.


Ang Panginoon, higit pa sa rosas at tsokolate ang kayang ialay sa’tin. Binigay Niya ang Kanyang buhay.
Minamahal Niya tayo…


kahit na tayo ay mareklamo, nakakainis at makitid ang pag-iisip.


kahit na ilang ulit natin Siyang bastedin at ilagay sa screened calls ang Kanyang number. 


kahit pa ilang oras, araw, linggo at taon natin Siyang paghintayin.


kahit pa ii-snob natin Siya pag tayo ay nagtampo (eh kasalanan naman natin).


Minamahal Niya tayo kahit na hindi tayo perpekto at patuloy Niya tayong mamahalin kahit ang ating balat ay kumulubot, ang uban ay dumami at tayo’y mag-amoy lupa.


Meron pa bang hihigit sa pagmamahal na yan?


Tingin ko, wala na.


Kaya naman ngayon, may rosas, tsokolate at teddy bear o wala, masasabi ko na masaya ako sa kung anong meron (o wala) ako. Hindi dahil sa takot at pag-iwas sa kabiguan. Lahat ng iyon ay napawi na.


Walang takot sa pag-ibig. Ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot sapagkat ang takot ay kaparusahan. Ang natatakot ay hindi pa nagiging ganap sa pag-ibig.


I Juan 4:18


Masaya ako dahil ang pag-ibig ng Diyos ang tanging nakakapagdulot ng ganap na kagalakan sa aking puso.


Bihagin mo ako, Panginoon, ng Iyong pag-ibig at ‘wag mo na akong pakawalan.