Eto na naman ang buwan kung kailan namumula ang paligid, patok ang fine-dining at ubos ang bulaklak sa Dangwa.
Buwan ng mga puso…
Kung may iniibig ka AT iniibig ka rin niya, mas matamis pa sa Toblerone at mas makulay pa sa Panagbenga ang buwan na ito para sa’yo.
Kung single ka naman, ito ang buwan na makaka-DVD marathon mo ang aso mo, matatapos ang pag-cross stitch ng The Last Supper at makakapag-general cleaning sa kwarto mo. Baka nga pati garahe malinisan mo.
Tunay na ang Pebrero ay kay tamis ngunit kay pait din, may kilig ngunit mayroon ding kasamang kurot.
Sa mga singles, sa bawat makakasalubong na magkasintahang nilalanggam sa ka-sweetan at sa bawat sandaling ka-holding hands mo ang iyong sarili, nakaka-tempt maging bitter, ‘di ba? Napakadaling magma-pait at sabihin sa sariling, “Hmp, ang cheesy naman nila,” sabay *roll eyes*.
O ako lang ang ganun? Ako lang ang sinusubukang kumbinsihin ang sarili na ang Balentayms ay di para sa akin. Ang pag-ibig ay di para sa akin. Na masaya ako kung anong meron ako. Masaya na walang nag-fo-follow up maya’t maya, walang dapat hingan ng permiso kung aalis kasama ang barkada at walang pipigil kung gusto kong kulayan ng pula ang aking buhok. Ako lang ba?
Ang alam ko, unti-unting tinalupan ng Panginoon ang aking kalooban, parang isang repolyo. Siniwalat Niya sa akin ang tunay na laman ng puso ko: Ang pangarap na panoorin ang paglubog ng gintong araw, humiga sa damuhan, pagmasdan ang libu-libong mga tala at, salubungin ang pagdating ng bagong umaga – sa lahat ng ito, kasama ang taong mahal ko.
Ang mga pangarap na iyon, sinubukan kong ibaon sa walang-kamalayan nang aking matuklasan na ang bawat tsokolate ay may pait at ang bawat rosas ay may tinik. Ang mga pangarap na iyon, ninakaw at napalitan ng takot na mangarap at magmahal muli.
Ngunit ang lahat ng ‘yon ay napawi nang maunawaan at maramdaman ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Wala ito sa tamis ng tsokolate o sa halimuyak ng bulaklak na inihahandog sa’yo. Ito ay matatagpuan sa busilak at wagas na pag-ibig ng Panginoon.
Ang Panginoon, higit pa sa rosas at tsokolate ang kayang ialay sa’tin. Binigay Niya ang Kanyang buhay.
Minamahal Niya tayo…
kahit na tayo ay mareklamo, nakakainis at makitid ang pag-iisip.
kahit na ilang ulit natin Siyang bastedin at ilagay sa screened calls ang Kanyang number.
kahit pa ilang oras, araw, linggo at taon natin Siyang paghintayin.
kahit pa ii-snob natin Siya pag tayo ay nagtampo (eh kasalanan naman natin).
Minamahal Niya tayo kahit na hindi tayo perpekto at patuloy Niya tayong mamahalin kahit ang ating balat ay kumulubot, ang uban ay dumami at tayo’y mag-amoy lupa.
Meron pa bang hihigit sa pagmamahal na yan?
Tingin ko, wala na.
Kaya naman ngayon, may rosas, tsokolate at teddy bear o wala, masasabi ko na masaya ako sa kung anong meron (o wala) ako. Hindi dahil sa takot at pag-iwas sa kabiguan. Lahat ng iyon ay napawi na.
Walang takot sa pag-ibig. Ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot sapagkat ang takot ay kaparusahan. Ang natatakot ay hindi pa nagiging ganap sa pag-ibig.
I Juan 4:18
Masaya ako dahil ang pag-ibig ng Diyos ang tanging nakakapagdulot ng ganap na kagalakan sa aking puso.
Bihagin mo ako, Panginoon, ng Iyong pag-ibig at ‘wag mo na akong pakawalan.

No comments:
Post a Comment